Malacañang recently directed all national government agencies and instrumentalities, including government-owned or -controlled corporations (GOCCs) and educational institutions to integrate the recital of the Bagong Pilipinas Hymn and Pledge in the conduct of weekly flag ceremonies. The move aims to instill the principles of Bagong Pilipinas among government workers, according to Malacanang.
BAGONG PILIPINAS HYMN
PANAHON NA NG PAGBABAGO
Panahon na ng pagbabago
Dahil sa ito ay kinakailangan
Tayo na magtulong-tulong
Na paunlarin ang mahal nating bayan
Panahon na ng pagbabago
Dahil sa ito ay kinakailangan
Tayo na magtulong-tulong
Na paunlarin ang mahal nating bayan
Panahon na ng pagbabago
At iayos ang mag dapat ayusin
Dapat lang maging tungkulin
Ng bawat mamamayan dito sa atin
Gawin ang pagbabago
Patungo sa pag-asenso
Magsikap na mabuti
At nang guminhawa tayo
Ipagmalaki natin sa mundo at ipamalas
Ang Bagong Pilipino at Bagong Pilipinas
Panahon na ng pagbabago
Tangkilikin natin ang sariling atin
At tama lang na ugaliin
Kaysa sa iba sa atin ang unahin
Panahon na ng pagbabago
At manguna sa kahit anong larangan
Ang tagumpay ay karangalan
Ialay o ihandog natin sa bayan
Ilang ulit nang napatunayan ng Pilipino
Ang husay at lakas, kagandahan at talento
Handang makipag paligsahan
Kahit anong oras
Ang Bagong Pilipino, ang Bagong Pilipinas
Panahon na ng pagbabago
Buhay natin ay gawing maaliwalas
Marami ang magandang bukas
Ang ibubunga ng Bagong Pilipinas
Gawin ang pagbabago
Patungo sa pag-asenso
Magsikap na mabuti
At nang guminhawa tayo
Ipagmalaki natin sa mundo at ipamalas
Ang Bagong Pilipino at Bagong Pilipinas.
PANAHON NA!
BAGONG PILIPINAS PLEDGE
PANATA SA BAGONG PILIPINAS
Bilang Pilipino, buong pagmamalaki kong isasabuhay ang Bagong Pilipinas.
Buhay sa aking dugo ang lahing dakila, magiting at may dangal;
Palaging dadalhin sa puso, isip at diwa ang aking pagmamahal sa kultura at bayang sinilangan;
Kaisa ng bawat mamamayan, iaalay ko ang aking talino at kasanayan sa pagpapaunlad ng aking Bayan;
Taglay ang galing na naaayon sa mga pandaigdigang pamantayan;
Magiging instrumento ako sa pagsulong ng kagalingan, karunungan at kapayapaan.
Makikiisa at makikilahok ako sa mga adhikain ng pamamahalaan dahil ang kaunlaran at hindi lamang responsibilidad ng iilan.
Isusulong at pangagalagaan ko ang karangalan, Kalayaan at interes ng aking bayang minamahal; Bilang Pilipino na may pagmahahal, pakilam at malasakit; hindi makasarili kundi para sa mas nakakarami; tatahakin ko ang landas tungo sa isang Bagong Pilipinas!
Here’s a sample lyric video of the Bagong Pilipinas Hymn and Pledge.
Read Memorandum Circular No. 52.






